Sunday, September 7, 2014

Wikang Mahal

Halimuyak mo'y katulad ng Sampaguita
Mga salitang kay sarap bigkasin ng isang makata
Bikol,Bisaya,Tagalog at iba pa,tulad ng Sampaguita
Pinagdugtung- dugtung upang gawing kwintas at korona
Alay sa bansa,sa Poong Maykapal,maging sa sinisinta.

Dumaan man ang nagraragasang Glenda
Alipustahin man ng mga nagmamarunung at nagmamaganda
Tag-init,ulan,baha at sari-saring pagdurusa
Wikang mahal,gaya ng Sampaguita
Di kayang masukol,masdan nyo at namumulaklak sa ganda.

Maligayang buwan ng wika Pilipinas kong mahal! 


No comments:

Post a Comment